Minsan, kahit ayaw mo at di mo sinasadya, makakasira ka ng relasyon ng iba. Minsan, kahit na may girlfriend o boyfriend ka, hindi mo maiiwasang magkagusto o mainlove sa iba. At kadalasan, kahit mahal niyo ang isa't isa, hindi pwedeng maging kayo dahil nakatali kayo sa iba. Ganyan maglaro ang pag-ibig. Kahit na ang pinakamadiskarte o pinakamatalinong tao sa mundo, hindi maiiwasang masaktan kapag nagmahal.
Sa buhay mo, natural na ang madapa, basta babangon ka. Walang taong nadapa na habambuhay na nakahandusay sa lupa, at walang taong bumangon na hindi nadapa ulit. Ganyan pag nagmamahal, hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Magkadikit na yan. Kahit lumuhod ka diyan sa bahay niyo papunta sa simbahan ng Baclaran, kakadasal na sana hindi ka masaktan, hinding hindi mangyayari yun, dahil sa masasaktan at masasaktan ka pa rin KUNG nagmamahal ka ng totoo.
Mabait ang Diyos, alam niya ang ginagawa niya at alam niya kung paano niya tayo ginawa. Magkahiwalay na ginawa ng Diyos ang UTAK at PUSO ng tao. Ginawa ang utak para MAG ISIP, ginawa ang puso para MAGMAHAL.Ginawa ang utak para maisip nating gamitin ang puso para magmahal. Pero kung mapapansin niyo, nilagay ang utak na mas mataas kesa sa puso, para ipaalala satin na hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat unahin ang puso kesa sa utak. Kahit sabihin mong dapat gamitin ang puso pag tayo ay nagmamahal at hindi ang utak, isipin mo nalang.. "God placed our heart at the LEFT side of our body, that's why it's not always RIGHT." Ginawa ang utak para malaman natin ang pagkakaiba ng tama sa mali, at oo sa hindi. Yan ang hindi kayang gawin ng puso, dahil para sa puso.. lahat tama at walang hindi. Ginawa ang puso para maramdaman natin ang TAMA, ginawa ang utak para maisip natin ang MALI. Ang problema lang kasi sating mga tao, habang ginagamit ang puso para magmahal, mas lalong kumikitid ang utak. Puso lang ang may kakayahang makaramdam ng sakit na dulot ng pagmamahal. Kaya nga magkahiwalay silang ginawa, para maisip nating protektahan ang puso. Kaya gamitin ang utak, dahil lang yan ang may kakayahang makaisip kung tama o mali na ang ginagawa ng ating puso.
Sometimes, there are things that you don't want to hold on, but you can't let go. Bakit? Dahil alam ng utak na MALI na ang magpakatanga ka pa, at ramdam ng puso na TAMA na ipagpatuloy pa. Kaya ayaw nating bitawan kahit alam nating mali. At kaya gusto nating ipagpatuloy kahit alam nating mahirap. Pero teka.. alam niyo ba kung bakit dalawa kamay ng tao? Simple lang. Isa sa RIGHT side, para ipaalala sating kunin at gawin ang mga bagay na TAMA na magpapasaya satin. At isa sa LEFT, para ipaalala sating IWAN at kalimutan ang mga bagay na nagpapalungkot satin. One on the right side to HOLD ON, and one on the left side to LET GO. Dapat matuto tayong ibalance ang buhay natin, dahil tayo lang din naman mismo ang nagpapasaya at nagpapahirap sa buhay natin.
Alam niyo din ba kung bakit hindi sabay na humahakbang ang mga paa ng tao kapag naglalakad? Hindi lang para hindi tayo magmukhang tanga, kundi para ipaalala sa atin na sa bawat hakbang na ginagawa ng isa nating paa, may chance pang makabalik tayo sa pwesto natin ng ligtas dahil maiiwan sa likod ang isa nating paa. Kung sabay silang hahakbang habang tayo ay naglalakad, matututo na tayong magdalawang isip kung babalik pa ba tayo sa pwesto natin dahil walang kasiguraduhan na ligtas tayong makakabalik. Ganyan din sa buhay, minsan kelangan mong umatras sa mga bagay kapag alam mo na hindi na magandang ipagpatuloy pa. Minsan kase, may pagkakataon na napipilitan tayong ipagpatuloy ang isang bagay dahil nasimulan na natin. "It's easy to start SOMETHING, but it's hard to finish EVERYTHING." Kaya nga dapat, when you take the risk, be sure that it's worth the risk. Hindi ka tanga, kaya wag kang magpapakatanga. Hindi ka bobo, kaya magisip ka.
Mabait ang Diyos. Kaya wag kang mag-iisip na ikaw na ang pinakawalang kwentang tao sa mundo, na ikaw ang pinakapanget na nilalang o ikaw ang pinakamalas na tao dito sa mundo. Lahat ng tao nagkakaproblema. Walang taong nabuhay na ni minsan hindi nasaktan. Kung pakiramdam mo na MALAS ka, isipin mo na lang na SWERTE ka kase buhay ka. Smile. :D Life is LOVE.
No comments:
Post a Comment